Ulo ng Leon

Tuba,
Ulo ng Leon Ulo ng Leon is one of the popular Local Business located in ,Tuba listed under Local business in Tuba , Tours & Sightseeing in Tuba , Public Places & Attractions in Tuba ,

Contact Details & Working Hours

More about Ulo ng Leon

Ang Ulo ng Leon ay isang tanyag na palatandaang pook na matatagpuan sa Lansangang Kennon, isang pangunahing lansangang-bayan sa Luzon, Pilipinas na humahantong papunta sa Lungsod ng Baguio. Nakalagak sa Kampo 6, ang Ulo ng Leon ay may sukat na 40 talampakan ang taas. Nabalak itong buoin ng mga kasapi ng Lions Club ng Lungsod ng Baguio, noong nanunungkulan pa si Luis Lardizabal bilang alkalde ng Lungsod ng Baguio magmula 1969 magpahanggang 1970 at bilang pangulo ng samahan, upang magsilbing simbolo o tatak ng klab sa pook na naturing. Bago ang masining na paglililok, ang batong-apog ay inihanda muna ng isang pangkat ng mga inhinyero at mga minero, pagkaraan nito ang talagang masining na pag-ukit ng harapan o patsada ay ginanap ni Reynaldo Lopez Nanyac, isang Ifugao na alagad ng sining at manlililok ng kahoy mula sa Rehiyong Administratibo ng Cordillera. Ang proyekto ng konstruksiyon ay nagsimula noong 1968 subalit naantala. Ipinagpatuloy ang proyekto noong 1971 ng isa pang naging pangulo ng Lions Club, si Robert Webber, at inilantad sa madla noong 1972.

Map of Ulo ng Leon