San Agustin de Tanza

Diocesan Shrine of Saint Augustine and Parish of Santa Cruz, Tanza, 4108
San Agustin de Tanza San Agustin de Tanza is one of the popular Catholic Church located in Diocesan Shrine of Saint Augustine and Parish of Santa Cruz ,Tanza listed under Religious Organization in Tanza , Catholic Church in Tanza ,

Contact Details & Working Hours

More about San Agustin de Tanza

Isa sa mga kilalang Santo na malaon nang itinatanghal ng Inang Simbahan ay si San Agustin. Ang debosyon sa kanya ay maaari nating sabihin na hindi nagging malaganap sa mga Katoliko di tilad nina San Antonio de Padua at San Judas Tadeo at ang madalas na pagsambit sa kanyang pangalan ay nananatili lamang sa mga lahi ng mga nakapag-aral ng pilosopiya at teolohiya. Maliban din naman sa mga parokyang tumatangkilik sa kanya at pangunahin ditto ang bayan ng Tanza, Cavite na may natatanging debosyon sa kanya at dinarayo ng maraming tao. Sapagkat ang higit na napag-uukulan ng pansin sa ating Santo ay ang kanyang mga isinulat na libro, mga sulatin at sermon na nagbibigay liwanag sa mga aral ng ating pananampalataya, ang karunungan at katalinuhan ang palaging nakaugnay sa kanyang pangalan. Subalit ang madalas na hindi natin nabibigyang halaga sa ating debosyon sa kanya ay ang karanasan niya ng pagbabagong-loob at ng marubdob na paghahanap sa katotohanan, ang Diyos. Kung papaano mula sa kalayawan at makasalanang pamumuhay ay natagpuan niya ang katiwasayan sa piling ng Diyos. Higit sa lahat ay ang biyayang ipinunla ng Diyos sa kanyang puso upang hanapin ang kanyang Manlilikha.
Ang mga karanasang ito ni San Agustin ay makikita natin at maaaring madama sa mga panalangin na kanyang isinulat at tinipon sa aklat na “The Confessions.” Mga pagpapahayag ng mga naganap sa kanyang buhay. ang mga panalanging ito ay nagsasaad ng pagkapariwara, pagsisisi, pagbabagong-loob at pakikipag-ugnayan sa Diyos ng ating dinadakilang Santo. Ito rin marahil ay nagging karanasan natin, ang kanyang buhay ay hindi nalalayo sa lahat ng tao na puno ng kahinaan subalit puspos rin naman ng biyaya ng Diyos.

Map of San Agustin de Tanza