S A M A F I L - Samahang Filipino

Tagoloan,
S A M A F I L - Samahang Filipino S A M A F I L - Samahang Filipino is one of the popular Education located in ,Tagoloan listed under Education in Tagoloan ,

Contact Details & Working Hours

More about S A M A F I L - Samahang Filipino

Layon ng SAMAFIL na palaganapin ang pagmamahal sa Filipino bilang wika at asignatura sa pamamagitan ng mga gawaing nakasentro sa mithiing ito. Pinaniniwalaan na sa pamamagitan nito ay mapatatag ang pagkakakilanlan ng ating pagka-Pilipino at mapatibay ang pagkamakabayan nating mga mamamayan.

Ang mga mithiing ito ay nakapokus sa mga mag-aaral. Maaaring sa pahinang ito ay mapukaw ang pagmamahal ng mga mag-aaral sa Filipino, at mapagtanto na walang mahirap pag-aralan kung ang puso ay nakatuon dito.

Nauunawaan ng samahan ang hamon ng makabagong panahon. Ang ibig sabihin, habang pumapanaw ang mga araw ay simisibol naman ang mga makabagong paraan para maabot ang puso ng mga mag-aaral. Dahil sa katotohanang ito ay inilunsad ang fan page ng SAMAFIL. Inaasahang lalawak ang saklaw ng samahan, at lalawak din ang abot ng mga layunin nito.

Kaya't tara na! Sama na! Sa biyaheng SAMAFIL.

Map of S A M A F I L - Samahang Filipino