River of Life Christian Baptist Church

013 Hilltop Compound, London Drive, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, 1123
River of Life Christian Baptist Church River of Life Christian Baptist Church is one of the popular Religious Organization located in 013 Hilltop Compound, London Drive, Brgy. Gulod, Novaliches ,Quezon City listed under Church/religious organization in Quezon City , Religious Organization in Quezon City , Baptist Church in Quezon City ,

Contact Details & Working Hours

More about River of Life Christian Baptist Church

Ang mga doktrina o mga aral ng ROLCBCI ay pawing salig at hango sa Banal na Kasulatan (Salita ng Dios) kaya’t hindi maaring mabago, maalis, mabawasan, o madagdagan kailanpaman.

1. ANG BANAL NA KASULATAN (BIBLIA)

Kami ay naniniwalan na ang Banal na Kasulatan ay ang kinasihang Banal na Salita ng Dios. Ito ay walang bahid pagkakamali at tanging saligan ng pananampalataya. (2.Ped. 1:19-21; 1Tes.2:13; 2Tim.3:15-17).

2. ANG TUNAY NA DIOS

Kami ay naniniwala na Iisa ang Makapangyarihang Dios na lumikha ng langit at lupa. Siya ay nahayag sa tatlong Persona: Ang Ama, Anak, at ang Banal na Espiritu. Siya ang tanging dapat sambahin ng bawat nilikha. Gen.1:1; Isa.4341; Exo. 20:2-5; Matt.3:16-19.

3. ANG PANGINOONG HESU KRISTO

Kami ay naniniwala, na ang Panginoong Hesu Kristo ay ang banal na Dios na nahayag sa laman at sa pamamagitan ng pagkakatawang tao, na ipinaglihi, at ipinanganak ni Birhen Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios Espiritu Santo. Bilang Anak ng Tao. Si Cristo ay walang kasalanan, namatay inilibing, nabuhay at umakyat ng ikatlong araw sa langit at sa kanan ng Ama, at nangakong muling babalik. (Jn. 1:1; 14:3; Heb. 2:14; 10:20; 1 Tim. 3:16; Isa. 7:14; Lk. 1:3; 1 Pet.2:22; 1 Cor. 15:3-4.

4. ANG BANAL NA ESPIRITU

Kami ay naniniwala na ang Banal na Espiritu ay Banal na Dios at kapantay ng Ama at Anak sa kapangyarihan at kaluwalhatian. (Mga Gawa 5:1-41; Jn.14:17; Efe. 1:13; 4:30.)

5. ANG TAO

Kami ay naniniwala na ang tao ay tuwirang nilalang ng Dios na walang kasalan, subalit nahulog sa pagkakasala sa kusang pagsuway sa Dios; kaya’t lahat ng tao ay makasalanan at nasa ilalim ng kahatulan ng Dios.
(Gen.1:26-27; 2:7; Rom.5:12,19; 3:19,23; Mat. 23:23)

6. ANG DAAN NG KALIGTASAN

Kami ay naniniwala na ang kaligtasan ay biyaya at kaloob na walang bayad ng maibiging Dios sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Kailangan magsisi at manampalataya sa Panginoong Hesu Kristo ang sinumang makasalanan upang maligtas. (Efe.2:8-9; Rom. 5:8; 6:23; Lk. 13:3; Mga Gawa 16:31)

7. ANG TUNAY NA IGLESIA

Kami ay naniniwala na ang Panginoong Hesu Kristo ang nagtatag at tanging saligan ng tunay na Iglesia. Ang Iglesia bilang katawan ni Cristo ay buhat sa mga Apostol ng Panginoon hanggang sa pagbabalik Niya. Ang Iglesia, bilang organisasyon o pampook, ay ang lipunan o samahan ng mga nabautismuhang mananampalataya na naglilingkod at nagtitipon sa pangalan ng Dios sa isang tiyak na dako. Ang Iglesiang ito ay malaya at nagsasarili; pantay-pantay ang karapatan ng bawat kaanib. Ang mga pamunuan o opisyales nito ay ang Pastor at ang mga Diakono. Subalit maari ring magdagdag ng iba pang mga opisyales ayon sa pangangailangan ng Iglesia. (Mat.16:18; 1 Cor. 3:11; 14:23; 1 Tes. 1:1; Fil.1:1; Mga Gawa 6:5; Efe.4:11)

8. ANG BAUTISMO, ANG BANAL NA HAPUNAN, AT ANG PAGKAKALOOB

Kami ay naniniwala na ang BAUTISMO na itinuturo ng banal na Kasulatan ay lubog sa tubig at ang tunay na mananampalataya lamang ang dapat na bautismuhan. Ang bautismo ay larawan ng kamatayan, paglibing at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo. (Mat. 3:16; Mga Gawa 2:41; 8:39; 10:44-47; Jn.3:23; Col. 2:12)

Kami ay naniniwala na ang pagganap ng BANAL NA HAPUNAN ay isang pag-alaala sa kamatayan ng Panginoong Hesu Kristo hanggang sa muling pagbabalik Niya. Ang sinumang makikibahagi ditto ay kailangang mananampalatay, nabautismuahn at nagsisiyasat ng sarili. (Rom. 6:3-5; 1 Cor. 11:23 – 28; Mat. 26: 26, 29)

Kami ay naniniwala na ang PAGKAKALOOB o pagbibigay ng mga kapatid sa Iglesia ay itinuturo ng Dios at karapatan ng bawat mananampalataya. Kailangan na ang pagbibigay ay ayon sa paraan ng Dios at may kalakip na pag-ibig sa Kanya. Ang Iglesia ang tanging may karapatang magpasiya kung saan gagamitin ang pananalapi ng buong Iglesia. (Mga Gawa 20:35; 2 Cor. 8:1-3, 13-15; Mikas 3:10; 1 Cor. 16:2)

9. ANG WALANG HANGGANG KALAGAYAN NG BAWAT TAO

Kami ay naniniwala na ang lahat ng ligtas na mananampalataya (ipinanganak muli) kay Cristo ay kukunin Niya sa Kaniyang pagbabalik upang dalhin sa langit magpakailanman; subalit lahat ng tao na tumanggi kay Cristo na sarili niyang Panginoon at Tagapagligtas ay hahatulan Niya at dadalhin sa impiyerno magpakailan man. (Jn.3:18, 36; 14:2; Rom.8:1; Mat.25:46; Apo. 21:8)

10. ANG DIABLO (SATANAS)

Kami ay naniniwala na may Diablo; ang dios ng sanlibutang ito, ang kaaway ng Dios at ng mga mananampalatay at dadalhin ng Dios sa impiyerno kasama ang mga kampon niya sa araw ng paghuhukom. (Mat.4:10; 25:41; Lk. 10:18; 2 Cor. 4:4; Apo.12:9-11; 20:10)

Map of River of Life Christian Baptist Church