Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City

Poblacion, Polo, Valenzuela, 1400
Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City is one of the popular Catholic Church located in Poblacion, Polo ,Valenzuela listed under Church/religious organization in Valenzuela , Catholic Church in Valenzuela ,

Contact Details & Working Hours

More about Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City

Ito ay ang Page ng San Diego de Alcala Parish sa Polo, Lungsod ng Valenzuela. Narito po ang Kasaysayan ng Parokya, at Talambuhay ni San Diego de Alcala.

Talambuhay ni San Diego de Alcala
Si San Diego de Alcala ay Anak ng isang mahirap na Pamilya na ipinanganak noong taong 1400 sa maliit na bayan ng San Nicholas del Puerto. Binigay sa Kanya ang Pangalang "Diego" na hinalaw kay Apostol Santiago na Patron ng Espanya. Noong siya ay nasa Sapat ng Gulang, siya ay Pumasok sa Ordeng Franciscano at naging Hermano (Conventual Brother). Nakita sa kanyang buhay ang labis na Kabanalan. Naging Portero (Alalay sa Kumbento) rin siya. Ito naman ang Dahilan kung bakit may Dala-dala siyang Basket ng Bulaklak, minsang may humihingi sa kanya ng Tinapay, kumuha siya ng labis na TInapay sa kumbento upang maipamahagi ito sa mga nanghihingi ng Pagkain, nahuli siya ng kanyang Superyor, at tinanong,"Diego, ano iyan at saan mo dadalhin?" Pinaisip ng Diyos si Diego na ang sabihin ay "Mga Bulaklak po", at ng buksan ang basket ay hindi tinapay ang nakita kundi mga Bulaklak!. Si San Diego ay madalas na tumutulong sa kapwa nangangailangan. Noong Kanonisasyon ni San Bernardino de Siena, Nagkasakit ang maraming mga Paring Franciscano,silang lahat ay ginamot ni San Diego at silang lahat ay Gumaling. Sinasabing Hinalimbawa ni San Pascual Baylon si San Diego pagdating sa Kabanalan, dahilan sa malaki nilang debosyon sa Santisimo Sakramento at Mahal na Birheng Maria. Noong Nobyembre 12, 1463, hiniling niya na isuot muli ang kanyang lumang abito at samantalang siya ay nakatingin sa Krus, kanyang pinupuri ang Panginoon sa kanyang paglilitas sa Sangkatauhan. Matapos nito, siya ay namatay sa Araw rin iyon. Nanatiling buo ang kanyang katawan at imbis na mabahong amoy ang masamyo, ay napakabango ang naamoy mula sa kanyang bangkay. Itinanghal na Santo si San Diego de Alcala noong Hulyo 1588.

Map of Parokya ni San Diego de Alcala, Polo, Valenzuela City