Our Lady of Perpetual Help Parish (Dambana)

Mabini Homesite, Cabanatuan City, 3100
Our Lady of Perpetual Help Parish (Dambana) Our Lady of Perpetual Help Parish (Dambana) is one of the popular Organization located in Mabini Homesite ,Cabanatuan City listed under Catholic Church in Cabanatuan City , Organization in Cabanatuan City ,

Contact Details & Working Hours

More about Our Lady of Perpetual Help Parish (Dambana)

Ang Ina ng Laging Saklolo
ayon sa popular na tradisyon, ang Larawan ay ninakaw sa Isla ng Crete ng isang mangangalakal na naglayag at nag dala nito sa Roma noong ika-15 ng siglo. Sinasabi na sa panahon ng kanilang paglalakbay, isang matinding bagyo ang naglagay sa panganib sa buhay ng mga pasaheor at laking pasasalamat nila dahil sa pamamagitan ng kalinga ng ating Ina, ang lahat ay naligtas. Bago siya namatay, nag pasiya ang mangangalakal na ilagak ang Larawan sa isang kaibigan upang ito ay maibigay sa Simbahan sa lungsod, Samantala, itinabi ng kaibigan ang Larawan hanggang sa panahong siya'y malapit ng bawian nang buhay. At sa pamamagitan ng panaginip, nagpakita ang Birhen sa kanyang maliit na anak na babae at ipinahayag ang kagustuhang bigyang parangal at galang ito sa Simbahan na nasa pagitan ng Basilika ng Santa Maria Maggiore at San Juan Laterano. Ang kanyang asawa ang sa wakas ay naglakag ng Larawan sa Simbahan ng San Mateo. Saloob ng tatlong siglo, iyon ang naging sentro ng debosyon sa dakong Esquilino, subalit matapos wasakin ng mga hukbo ni Napoleon ang Simbahan ng San Mateo, inilipat ito sa simbahan ng Santa Maria sa Posterula (Roma). Ang Larawan ay nanatili doon sa loob ng 70 taon hanggang dumating ang mga Redentorista sa Roma. Itinatayo nila ang Simbahan ng San alfonso sa dating lugar ng San mateo at naging Interisado sila sa Larawan. Ito'y muling natuklasan, salamat sa isang masayang pagkakataon. si Padre Michael Marchi, isang Redentorista ang nala-alaala na nakita niya iyon noong siya ay isang sacristan pa lamang; na naroon sa isa sa mga kapilya ng Santa Maria sa Posterula. Noong 1866, matapos ayusin ang Larawan ng isang pintor na taga Poland, si Leopold Mowontny, Opisyal na ipinagkatiwala ito ni Papa Pio IX sa mga Redentorista. Makaraan ang isang taon, noong ito'y pasan sa isang prusisyon sa dakong Rione Monti, ang Mahal na Ina ay gumawa ng himala sa pamamagitan ng pagpapagaling sa isang batang may sakit. Ito'y inaala-ala sa pamamagitan ng kopya ng Larawan na matatagpuan sa Via Merulana, 276. Mula ika -26 ng abril 1866, ang orihinal na Larawan ay ipinangalagaan sa simbahan ng San Alfonso, na ngayon ay isang mahalagang Dambana ni Maria. ang maraming mga deboto ay nagpupunta doon mula sa iba't ibang bahagi ng mundo at nasumpungan nilang ang Damabana ng Ina ng Laging Saklolo ay isang kanlungan at bahay dalanginan, mabiyayang sentro ng kabanalan at pakikipagkaibigan. ang lahat ay nakakatulong upang maging maayos ang pakikipag-ugnayan sa Ina ng Diyos.

Map of Our Lady of Perpetual Help Parish (Dambana)