Our Lady of Fatima Chapel - Medicion II-E

Fatima st. (Herrera st.) Bgy. Medicion II-E, Imus, 4103
Our Lady of Fatima Chapel - Medicion II-E Our Lady of Fatima Chapel - Medicion II-E is one of the popular Catholic Church located in Fatima st. (Herrera st.) Bgy. Medicion II-E ,Imus listed under Church/religious organization in Imus ,

Contact Details & Working Hours

More about Our Lady of Fatima Chapel - Medicion II-E

Ito po ang Facebook Page ng Our Lady of Fatima Chapel ng Bgy. Medicion II-E, Imus, Cavite. Matutunghayan sa page na ito ang mga mahahalagang anunsyo ukol sa mga pagdiriwang ng Banal na Misa at mga gawain sa Kapilya at mga bagay o kaalaman ukol sa Salita ng Diyos at sa mga aral ng Simbahang Katoliko.

Regular na Gawain:

Mass schedules to be announced

Parokya: Our Lady of Fatima Parish, Binakayan, Kawit, Cavite

Diyosesis ng Imus

Obispo: Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista

Kura Paroko: Reb. Padre Leonardo Bagos
Katuwang na Pari: Reb. Padre Julius De Sagun


Ilang mahahalagang paalala:

- Para sa mga Mass Intentions, Pamisa, at sa pagbabasbas ng mga religious articles, lumapit lamang sa commentator bago magsimula ang Misa. Agahan po natin ang pagpapabasbas o pagpapamisa upang hindi mahirapan ang commentator sa paglilista ng mga Pamisa at upang mabasbasan kaagad ng pari ang inyong religious articles.

- Kung nais ninyong magbigay ng donasyon sa kapilya, ilagay ito sa basket sa pag-aalay (Offertory) o (kung malaki ang halaga na nais ibigay), makipag-usap ng direkta sa mga lingkod simbahan pagkatapos ng Misa. Huwag basta-basta magbibigay ng pera sa mga di-kilalang taong ginagamit ang pangalan ng kapilya o simbahan na humihingi ng abuloy o pera.

- Pakinggang maigi ang mga anunsyong ipapahayag ng pari bago matapos ang Misa.

- Kung nais ninyong maglingkod sa ating kapilya, lumapit lamang at makipag-usap sa mga lingkod simbahan.

- Ang Facebook Page na ito at ang mga nangangalaga sa kapilya ay hindi mageendorso ng kahit na sinong kandidatong pulitikal sa ngalan ng Simbahan. Ang lingkod simbahan na mageendorso ng isang kandidato ay kumakatawan sa kaniyang sariling mga pananaw at hindi ng Kapilya.

Map of Our Lady of Fatima Chapel - Medicion II-E