Mayor Oscar "OCA" Malapitan

10th avenue Caloocan City, Caloocan, 1408
Mayor Oscar "OCA" Malapitan Mayor Oscar "OCA" Malapitan is one of the popular Government Organization located in 10th avenue Caloocan City ,Caloocan listed under Government Organization in Caloocan , Government Website in Caloocan ,

Contact Details & Working Hours

More about Mayor Oscar "OCA" Malapitan

Lahat tayo ay may pangarap para sa ating sariling kinabukasan, sa ating pamilya, at sa ating bayan.
Bilang isa sa mga halal ninyong lider dito sa Caloocan, sinusubukan po natin sa abot ng ating makakaya na mamuno ng may integridad at kakayahan para mai-angat ang pamumuhay ng marami sa ating mga kababayan dito sa lungsod.
Ilan lamang sa ating mga nagawang proyekto ay ang pagsasa-ayos ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital – isang dating leprosarium na ngayon ay isa nang tertiary level hospital, at ang pagpapatayo ng Caloocan National Science and Technology High School kung saan natututo ang ating mga kabataan ng mga kakayahang kailangan nila para agad na makapagtrabaho.
Sa kabila ng mga ito, naniniwala po ako na mas marami pa tayong pwedeng gawin. Naniniwala din po ako na mas marami tayong magagawa kung ang mga ordinaryong tao mismo ang tumutulak at sumusuporta sa ating mga programa.
Kalusugan. Edukasyon. Katahimikan at pagsugpo sa droga. Pagpapatayo ng mahahalagang imprastraktura.
Ito po ang mga layuning isinusulong natin. Mga programang direktang sumasagot sa mga pang-araw-araw na pangangailangan nating mga taga-Caloocan. Dahil naniniwala tayong ang tao – tayong mga taga-Caloocan – ang dapat mauna sa lahat ng mga prayoridad sa pamamahala.
Kaya po naman hinihikayat ko kayong makipag-ugnayan sa akin at sa aking opisina para magbigay ng inyong mga mungkahi o opinyon kung paano natin lalong matugunan ang inyong mga pangangailangan.
Sumali po tayo sa paghubog ng ating pangarap para sa ating sariling kinabukasan at sa ating pamilya. Makilahok po tayo sa paghubog ng ating Caloocan.
-Oscar *Oca* Malapitan

Map of Mayor Oscar "OCA" Malapitan