Maningning Na Commonwealth

#01 Katuparan St., Cor. Commomwealth Ave. Barangay Commonwealth, Quezon City, 1101
Maningning Na Commonwealth Maningning Na Commonwealth is one of the popular Government Organization located in #01 Katuparan St., Cor. Commomwealth Ave. Barangay Commonwealth ,Quezon City listed under Government Organization in Quezon City ,

Contact Details & Working Hours

More about Maningning Na Commonwealth

Anu ang Pinagkaiba ng Barangay Commonwealth, District II, Lungsod Quezon Noon at Ngayon?

Yan ang tanong nang marami, Anu nga po ba ang pinagkaiba ng Barangay Commonwealth Noon at Ngayon?

Ang Commonwealth ay isa sa pinakamalaking barangay sa buong Pilipinas na may sukat na 388 ektarya at kasalukuyan ay binubuo ito ng Syam (9) na Base na pinamumunuan ng siyam (9) na Unit Coordinator at pinangungunahan naman ng ating mga Kagawad sa ilalim na pamumuno ni Punong Barangay Manuel A. Co. Mayroon ditong humigit kumulang 300, 000 Populasyon at humigit kumulang 76, 600 naman ang botante dito.

Sa Barangay Commonwealth ngayon, kasali na ang mamamayan dito, kasama na sila sa pagpapapatupad sa lahat ng programa ng Barangay Commonwealth, lalong lalo na sa pagsasaayos ng Kalinisan at kapayapaan dito. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat nang naninirahan dito, Noon ay ubod ng dami ng basura sa daanan ng tao lalo na sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, na kung saan ay kinakailangan pang gamitan ng payloader para lang mahakot ang gabundok na basura dito. Samantalang ngayon sa ilalim ng Pamununo ni Punong Barangay Manuel A. Co, galit na ang mamamayan ng Commonwealth sa basurang nakikita nila, mabilis nilang nililinis ang kanilang mga kalat upang maging maganda ang kapaligiran sa kanilang paningin. Galit na din ang mga tao dito sa mga masasamang elemento na nagbebenta ng iligal na droga na alam naman nating pangunahing dahilan na pagtaas ng bilang ng krimen sa isang lugar. Agad nilang isinusumbong ang kanilang mga kapitbahay na Drug Pusher at User kay Punong Barangay Manuel A. Co na mabilis naman inaaksyunan ng ama ng Barangay. Kasalukuyang mayroong Random Drug Testing sa mga TODA, JODA, Homeowners Association, mga Kaguruan, mga Empleyado, mga Volunteers, Purok Leaders ng Barangay at maging sa ibat-ibang asosayong nasasakop ng Barangay Commonwealth, layunin nito na matulungan ang kanilang mga kabarangay sa pagkakalogmok sa ipinagbabawal na gamot at mailigtas ang kanilang kinabukasan.

Mahigit 90% ang ibinaba ng kreminalidad sa Commonwealth simula noong si Punong Barangay Manuel A. Co ang naupong Kapitan dito na naitala ng Quezon City Police District kabilang na ang Riding in Tandem. Naglagay ito ng 32 Unit Wireless High Definition CCTV Camera, 35 Unit Wireless High Definition Public Address System at nagpakalat ng mahigit isang libong handheld radio sa kabuohan ng Barangay Commonwealth na ginagamit ngayon sa programang Peace and Order. Nasa 5000 mamamayan ng Commonwealth ang boluntaryong naglilikod dito (BPSO Volunteer), katuwang ng mga Purok Leaders at Unit Coordinators sa pagbabantay sa kanilang mga kabarangay sa ilalim nang “Oplan Matulog ka Mahal! Babantayan Kita”. Halos wala nang minor-de-edad ang nakakalat sa kalsada tuwing sasapit ang dis-oras ng gabi, dahil ito sa pagpapatupad ng Disciplinary Hour at Oplan Bantay Kabataan ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).

Isa sa naging prayoridad ni kapitan ang kaligtasaan ng kanyang mga kabarangay kaya nagtatag siya ng Rescue 213 na kung saan sila ang tuwirang reresponde sa tuwing mayroong aksidente o kalamidad. Kasalukuyan ay halos matatapos na ang ipinatatayong Barangay Commonwealth Disaster Risk Reduction Management at Multi-Purpose Building sa tabi mismo ng Barangay Commonwealth Hall. Ito ang magsisilbing tanggapan ng Rescue 213 na kinabibilangan ng Medic, Fire Marshall, BPSO, Traffic at ng BCRO (Barangay Community Relation Officer).

Dahil sa pagnanais ni Punong Barangay Manuel A. Co, kasama ng kanyang mga Kagawad at ng Task Force on Youth Development (TFYD) na maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kabarangay ay tuloy-tuloy ang programang pang-edukasyon dito, Na kung saan ay mayroong 150 High School Students at 350 College Students naman ang naging benepisyaryo sa programang “Ako! Iskolar ng Barangay Co”. Na nakakatanggap ng Educational Financial Assistance at kumpletong School Supplies mula sa sariling pondo ng Barangay Commonwealth. Samantalang ang ilan nilang kabarangay na nakapag-aral ng TESDA sa Barangay Commonwealth ay nakapagtrabaho na sa loob at labas ng ating bansa at nakakatulong na sa kanilang pamilya. Naniniwala si Kapitan Manuel A. Co na ang Edukasyon ang susi at kalag sa kadena ng kahirapan.

Patuloy parin ang pakikipag-ugnayan ng mga Kagawad ng Commonwealth sa ibat-ibang ahensya upang magbigay ng maayos na trabaho at hanap buhay, hindi mawawala ang pagsasanay o livelihood programa para sa kanilang mga kabarangay na pinapakinabangan na ng iba. Ang ilan sa kanilang mga kabarangay ay nagtatanim sa kanilang mga baskuran maging sa maliliit na paso at lata upang pagkunan ng makakain. Gaya ng Okra, Talong, Repolyo, Petchay at iba pa. Ito ang programang tinawag nilang “Tanim ko! Aanihin ko”, na kung saan ay namamahagi ng libre ang kanilang barangay na mga binhi sa kanilang mga kabarangay na nagnanais magtanim.

Kabilang sa kanilang programa ang baskeball clinic na may dalawang daang kabataan ang benepisyaryo nito, libreng sinasanay sa paglalaro ng basketball upang maiiwas sa anumang uri ng masasamang bisyo. Bumuo din ng Zumbarangay-Balik Alindog Program na mayroon humigit kumulang isang daan ang miyembro nito. Kasama sa programa at pag-eehersisyong ito ang mga kusang loob na sumukong Drug user at pusher sa tanggapan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Hindi nakalimutan ni Punong Barangay Manuel A. Co ang mga katandaan o ang senior citizen, Nagsasagawa ng Free Anti-Flue at Free Anti-Pneumonia Vaccination para sa mga indigent senior citizen ng Commonwealth, Namahagi din ng Libreng Tungkod at Wheelchair para sa mga Senior Citizen at PWD na hindi na nakakalakad, ito ay mula din sa pondo ng barangay. Samantalang nagkaroon naman ng Feeding Programa sa ibat ibang bahagi ng Barangay para sa mga batang malnourished ng Commonwealth.

Tunay na malayo na ang narating ng Barangay Commonwealth, malayo na sa dating Commonwealth na marumi, magulo, maraming batang pasaway at maraming drug user at pusher. Malayo sa watak watak na mamamayan nito. Pero ngayon nagkakaisang diwa, nagkakaisang tinig, nagkakaisang layuning maitaas ang moral ng Commonwealth. Nagkakaisang ipamana ang Barangay Commonwealth sa mga kabataang susunod na henerasyong Maayos, Payapa at Malinis na Barangay Commonwealth. Maipagmamalaki at taas noong nating sasabihing TAGA-BARANGAY COMMONWEALTH AKO.


Map of Maningning Na Commonwealth