JMCIM Sauyo Fasting House

207 Sauyo Road Novaliches, Quezon City, Quezon City,
JMCIM Sauyo Fasting House JMCIM Sauyo Fasting House is one of the popular Religious Center located in 207 Sauyo Road Novaliches, Quezon City ,Quezon City listed under Religious Organization in Quezon City , Religious Center in Quezon City ,

Contact Details & Working Hours

More about JMCIM Sauyo Fasting House

KASAYSAYAN NG SAUYO FASTING HOUSE
Ang Pinakamataas na pagpupuri, pagluluwalhati, pasasalamat at pagdakila ay para lamang sa ating pinakamamahal na PANGINOONG HESUKRISTO. Na Siyang pasimula ng lahat ng bagay dito sa lupa, na siyang naghango sa atin mula sa kasalanan at nagkaloob ng ibayong himala't kagalingan ng ating mga karamdaman maging sa lahat ng tagumpay na ating nakamtan.

Isang pinagpalang kasaysayan at hindi matatawarang himala ang ipinagkaloob ng Mahal na Panginoong HESUS sa Sauyo Fasting House. Ang isa sa mga lugar na kung saan ang mga kapatiran ng JESUS MIRACLE CRUSADE INTERNATIONAL MINISTRY ay dito nag lalaan ng pag aayuno na may kasamang Panalangin upang ang bawat Dalangin ay Dinggin at Patuloy Pang Kumilos at Maghimala ang Ating Pinakamamahal na Panginoong HESUS sa atin. Sa una't pangalangin ng ating minamahal na magulang sa MAHAL NA PANGINOON, ang ating iginagalang na Pastor Wilde E. Almeda at minamahal na Asst. Pastor C. Almeda.

Sadyang napakatamis isipin ang mga pangyayaring naganap sa Sauyo Fasting House na hindi natin pwedeng ipagkaila o ipawalang bahala man sapagkat kitang-kita naman ng ating mga mata ang mga dakilang himalang nagaganap dito. Iyon ay dahilan na rin sa unang panalangin ng ating minamahal na Pastor at ang ating minamahal na Mama Dear sa kanilang walang sawang pagluhod at sa kanilang panalangin na may pagtangis para sa kaligtasan ng maraming kaluluwa. Kung ating pagbulay-bulayin ang mga taong nakalipas, sa taong 1992 na magsimula ang ating buhay-ayunuhan sa isang maliit na bahay-kubo ng mag- asawa sis. Mila at bro. Benny Labudahon. Na bumibilang lamang ng 6 hanggang 10 ng mga kapatirang babae na nagbata ng kanilang dakilang pag-aayuno.

Taong 1993, kung ating ilalarawan noon ang lugar ng Sauyo Fasting House ay halos ang daanan pa noon ay putik at masasabi nating nagsimula sa abang ang ating bahay-ayunuhan sapagkat ang higaan ng mga nauna nating kapatiran noon ay lupa na sinasapinan lamang ng tolda na yari sa sako at ang ugat ng puno ang tanging nagsisilbing unan ng mga kapatiran. Bagamat sa kabila ng may kahirapang sitwasyon noon ay umabot ng (400) apat n raan na kapatiran sa kahabagan ng MAHAL NA PANGINOONG HESUS.

Pagpasok ng 1994, sa taong ito dito unti-unti tayong pinagpala at pinagkalooban na maitayo ang isang maliit na fasting house. Ngunit dahil sa patuloy ang pagdagsa ng marami nating kapatirang nag-aayuno ay dalawang (2) beses ito pinadugtungan ng ating minamahal at ginagalang na Pastor at minamahal na Mama Dear. Kung ating ilalarawan ang posisyon ng ating Fasting House kung paano ito dalawang beses pinadugtungan ay masasabi nating ang kubo ay siyang naging sentro o gitna na napapaligiran ng tatlong fasting house na magkarugtong, ang una, ito ay sa kanan ng kubo, ang pangalawa ay sa harap at ang huling dugtong ay sa kaliwa nito. Bagamat dalawang beses ito pinadugtungan ng ating minamahal na magulang sa MAHAL NA PANGINOONG HESUS ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nag-aayuno na hindi na halos magkasya sa loob nito, kaya't ang minamahal nating kapatiran ay umaabot hanggang labas ng Fasting House. Sa kabila ng mahirap n sitwasyon ay hindi ito tiningnan o naging dahilan upang matagil ang pakikipag-uganayan sa MAHAL NA PANGINOON, umulan man o umaaraw ay walang pagrereklamong nadidinig sa kanila bagkus patuloy silang nagpupuri at nagpapasalamat sa ating dakilang DIOS na makapangyarihan sa lahat. Kaya naman ang bawat isa ay ibayong kapayapaan at kagalakan ang mababanaag sa kanilang mukha.

Sa paglipas ng maraming taon ang pagpapalang ipinagkaloob ng MAHAL NA PANGINOONG HESUS sa ating bahay-ayunuhan, dahil sa unang panalangin ng ating Minamahal na Pastor at Minamahal na Asst. Pastor taong 2001 nang mai-renovate ang ating lumang Fasting House. Dahil dito ang dating magxkarugtong ay idiniretso at pinag-isa na ngayon, ang dating Fasting House na nagsimula sa toldang yari sa sako ngayon ay isang ganap at maayos na bubong, gayon din ang higaan na noo'y sa lupa sa sinasapinan lamang ng sako ngunit ngayon ay isa nang tiles ang ispinagkaloob ng MAHAL NA PANGINOONG HESUS. Sa pagdaan ng taon lalong pinaganda at inayos ito. Patuloy lamang na ang ating Dios na ating nakilala't sinasamba ay Dios na pinagmulan ng lahat ng bagay at Dios na siyang nagpupuno ng ating pangangailangan. Sa kabila ng mga pagpapalang dumarating, may ilang mga pagkakataon nararanasan ng mga pagsubok upang subukin ang ating Fasting House ngunit dahil sa habag ng Dios ang siyang nagtayo nito at sa unang panalanginng magulang sa MAHAL NA PANGINOON hanggang sa mga oras na ito, ni kailanman o minsan ay hindi binigyan ng MAHAL NA PANGINOONG HESUS na magkaroon ng pagkakataon ang kaaway na tuluyang masarado ang pintuan ng Sauyo Fasting House bagkus patuloy itong naging bukas para sa mga anak ng MAHAL NA PANGINOON na handang mag-alay ng pag-aayuno. Ating bigyang diin na ang magulang natin sa MAHAL NA PANGINOON, ang ating ginagalang na Mahal na Pastor at minamahal na Asst. Pastor ans siyang unang nagbukas upang maging ganap na bahay-ayunuhan ang lugar ng Sauyo Fasting House at dahil sa kanilang panalangin ay ginagamit o kinasangkapan lamang ng MAHAL NA PANGINOON ang mag-asawang sis. Mila at bro. Benny Labudahon na siyang pinagkatiwalaan ng may ari ng lupang ito.

Ang lupang kinatatayuan ng ating bahay-ayunuhan ay masasabi nating isang nag-uumapaw na pagpapala na ipinagkaloob ng Dios sa ating lahat sapagkat mula noon hanggang ngayon ay malaya nating nagagamit na wala tayong binabayaran ni singko man sa nasabing lupa at ang ating tubig na siyang isa sa napakahalaga sa araw-araw ay biyaya pa rin buhat sa MAHAL NA PANGINOONG HESUS sapagkat ang tubig na ating ginagamit sa lugar na iyon ay tubig natural mula sa bukal na lupa na lalong pinagpala dahil ito ay pinalanginan ang ating minamahal na Pastor upang lalong maging malinis at ligtas gamitin para sa mga nag-aayuno. Dahil sa patuloy na paglilingkod ng mag-asawa ay hinipo ang puso ng may-ari ng lupa na patayuan sila ng sariling bahay bago ito bawian ng buhay.

Kung ating babalikan at isa-isahin ang biyaya't himala sa Sauyo Fasting House maging sa ating buhay masasabi natin sa ating mga sarili na wala tayong maibabayad sa lahat ng kabutihan niya sa atin, tadtarin man ang laman at buto kulang pa rin sa pambayad sa lahat ng kanyang ginawa. Kung ating iisipin sa kabila ng ating pagkukulang at kawalan minsan ng pananalig sa kanya nanatili parin siyang tapat, mapaghimala at nagpupuno ng ating mga pangangailangan. Ang lahat ng iyan ay hindi nating makakamit kung hindi dahil sa mga taong ginamit ng Dios ang ating Beloved Pastor Wilde E. Almeda at Beloved Asst. Pastor Lina C. Almeda na walang sawang Nagpagal, Lumuhod at Nananalangin sa ating lahat upang ang bawat isa ay maabot ang dakilang kahabagan ng MAHAL NA PANGINOONG HESUS. Kung kaya't ang lahat ng pagpupuri at pagluluwalhati ay nauukol lamang sa ating
Dios na Buhay ! ! !

Map of JMCIM Sauyo Fasting House