IRMEC Marikina

161 A Bonifacio Ave. Tañong, Marikina City,
IRMEC Marikina IRMEC Marikina is one of the popular Religious Organization located in 161 A Bonifacio Ave. Tañong ,Marikina City listed under Religious Organization in Marikina City , Christian Church in Marikina City ,

Contact Details & Working Hours

More about IRMEC Marikina

SALIGAN NG PANANAMPALATAYA (IRM Statement of Faith)


BIBLIA
- Naniniwala tayo na ang Biblia ay ganap at walang bawas na kinasihang Salita ng Diyos. Ito’y orihinal na ibinigay at napapalooban ng 66 na aklat, 39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan. Ito ay walang pagkakamali at pinakamataas at huling awtoridad sa lahat ng bagay sa pananampalataya at kasaysayan. (2Tim. 3:16-17; 2Pedro 1:20-21; Mat. 5:18; Juan 17:17; Awit 19:7)

DIYOS
- Naniniwala tayo sa isang totoo at buhay na Diyos, ang Manlilikha at Nagbibigay ng lahat ng bagay. Siya ay walang hanggang mananatili sa tatlong (3) magkakaibang persona – Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, magkabahagi sa isang banal na kalikasan, magkapantay sa kapangyarihan at kaluwalhatian at kapwa may parehong katangian at kaganapan. (Deut. 6:4; Mat. 28:19; Juan 1:1; Hebreo 1:5; Col. 1:17; Gawa 17:28; Hebreo 1:3; 2Cor.13:13)

JESU-CRISTO
- Naniniwala tayo kay Jesu-Cristo, ang walang hanggang Anak ng Diyos na nagkatawang tao, walang patid ang pagka Diyos. Siya’y ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ipinanganak ng Birheng Maria, na nagtataglay ng dalawang (2) kalikasan: ganap na Diyos at ganap na tao hindi mahihiwalay nagkakaisa sa isang persona.
- Naniniwala tayo sa Kanyang kamatayan kapalit ng kaligtasan ng sangkatauhan. Siya ay inilibing at muling nabuhay sa ikatlong araw at lumuklok sa langit kung saan Siya ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos at bilang isang Punong Saserdote at Tagapamagitan, namamagitan para sa mga mananampalataya at personal at nakikita pagbabalik upang hatulan ang buhay at patay at itatag ang Kanyang Kaharian sa lupa. (Juan 1: 1-4; Fil. 2:6-11; Lukas 1:35; Mat. 1:18; Lukas 2:40,52; 1Pedro 3:18; 1Juan 2:2; Roma 5:8; 1Cor. 15:3-4; Lukas 4:24,39; Roma 3:24-25; 1Pedro 1:3-5; 3:19; Roma 8:34; Hebreo 9:34; 7:25; Efeso 4:7-9; 1Tim. 2:5; 1Juan 2:1-2; Lukas 22:31; 2Tim. 4:1; Gawa 1:11)

BANAL NA ESPIRITU
- Naniniwala tayo sa Banal na Espiritu, ang pangatlong Persona ng Diyos, sa iisang sangkap sa Ama at sa Anak, ngunit pareho bilang persona. Siya ay nagbabawtismo sa mga mananampalataya sa katawan ni Cristo, nananahan, pumapatnubay at nagbibigay ng kapangyarihang mamuhay nang may katagumpayan at mabungang paglilingkod. Namamagitan Siya sa Iglesya upang mamuhay sa pananampalataya at kabanalan at hinahatulan ang mga tao sa kasalanan, katwiran at paghatol. (Gawa 5:1-4; Gen. 1:2; 2Cor. 13-14; Mat. 28:19; 1Cor. 3:16; Juan 16:13; Gawa 1:18; Efeso 5:18; Juan 16:8-11)

TAO
- Naniniwala tayo na ang tao ay nilikha na kawangis at katulad ng Diyos subalit dahilan sa kasalanan ni Adan, ang sangkatauhan ay nahulog at naging malayo sa Diyos at dahilan dito siya ay nawalan ng kakayahang gawin ang lahat ng bagay upang maligtas ang kanyang sarili. Dahilan sa pagsuway ng tao, ang buong sangkatauhan ay isinilang na may likas na kasalanan at ang bunga nito ay magdurusa ng walang hanggan sa impiyerno. (Gen. 1:26-27; Efeso 2:1-3; Roma 3:22; 5:12)

KALIGTASAN
- Naniniwala tayo na ang kaligtasan ay isang biyaya na galing sa Diyos na makakamit sa pamamagitan ng natapos na gawa ni Jesu-Cristo sa krus, natatanggap sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Kanya lamang; hindi sa alinmang mabubuting gawa, relihiyong seremonya o kabutihan ng tao. Ito ay pribilehiyo ng mga mananampalataya na masiyahan sa katiyakan ng kaligtasan..
- Pinatitibay natin ang ating paniniwala sa kung ang itinuturo ng Bibliya na ang kalayaan ng Kristiyano ay hindi magagamit upang maging daan sa pagkakasala. (Juan 5:24; 10:28-29; Efeso 2:8-9; Tito 3:5; 2Tim. 2:19; 1Juan 3:8-10; 1Juan 5:11-13; Roma 6:1-2; 15-16; 13:13; Gal. 5:13; Tito 2:11-15; Isa. 55:7; 64:6)

IGLESIA
- Naniniwala tayo na ang Iglesia ay katawan ni Cristo, na kinapapalooban ng lahat ng mga mananampalataya na galing sa lahat ng kultura, salita at bansa sa lahat ng panahon. Ang tiyak na kapahayagan ng pangkalahatang iglesia ay isang lokal na katawan ng mga mananampalatayang tinawag na magpahayag ng kapangyarihan ni Cristo sa pamamagitan ng salita at mga mabubuting gawa.
- Naniniwala tayo na ang Iglesia ay ahensiya ng Diyos para sa pagtubos at pagbabago ng mga bansa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita at sa mga pagsasagawa ng kahabagan, katarungan, katuwiran at kapayapaan. Lahat ng mga mananampalataya ay tinawag upang maging aktibong mga saksi sa pagliligtas ni Jesu-Cristo at magministeryo sa mundo at sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu.
- Naniniwala tayo na si Cristo ang nagsimula sa dalawang kautusan na dapat tuparin ng Iglesia: Bautismo na siyang sumisimbulo sa pagkakaisa ng mga mananampalataya kay Cristo sa Kanyang kamatayan, pagkalibing at pagkabuhay na muli at ang Banal na Hapunan na siyang dapat na patuluyang tinutupad sa kapanahunang ito, sa pag-aalaala at pagpapahayag ng kamatayan ni Cristo hanggang sa Kanyang muling pagparito. (Roma 6:4-5; 12:4-5; Juan 3:3; Pahayag 7:9; Mat. 16:18; 28:19-20;25:31-46; 1Cor. 11:23-26; Efeso 4:11-12; Marcos 16:15)

MGA HULING ARAW
- Naniniwala tayo sa katiyakan ng muling pagbabalik ni Cristo. Ito ay pisikal, nakikita at personal na pagbabalik upang maitatag ang Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay. Sa Kanyang pagbabalik, tatawagin ni Cristo ang mga mananampalataya upang mamalagi sa Kanyang presensya at magharing kasama Siya magpakaylanman. Subalit, ang mga hindi mananampalataya ay hahatulan at magdurusa ng walang hanggang kaparusahan sa impiyerno.
- Ang paghihintay sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at nag-uudyok sa atin upang mamuhay ng may kabanalan ay maging tapat na tagapamahala sa lahat ng pagmamay-ari sa mundong ito. (1Tes. 5:8-11,23; Juan 14:1-3; 1Tes. 1:10; Gawa 1:11; Mat. 24:27,30,44; 1Cor. 15:49; Daniel 12:2; Juan 5:28-29; Mateo 25:31; Pahayag 20:15; 22:5; 2:21; Mateo 25:14)

Map of IRMEC Marikina