Itinatag ng mga Agustino bilang visita ng Pasig, 1572. Naging visita ng Taguig, 1742. Naging parokya sa patronato ni San Roque, 1 Hunyo 1815. Ipinatayo nina Padre Andres Veil at Padre Manuel Pelaes ang simbahan yari sa bato ayon sa disenyo ni Padre Santos Gomez Maranon, 1815. Ipinagawa ni Padre Raymundo Martinez ang kampanang ipinangalan kay San Isidro, 1821. Nasira ng lindol, 1863. Ipinaayos ni Padre Nicolas Gonzales,1892; Ipinatapos ni Padre Tomas Espejo, 1893, pansamantalang naging kuwartel heneral ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kumbento, 1-2 Enero 1897. nasira noong labanan sa Pateros, 14 Marso 1899. Dito ikinulong ng mga hapon ang mga pilipinong dinakip sa Pateros, Agosto 1943. Maraming sibilyan ang pinaslang ng mga hapon sa loob ng simbahan at sa paligid nito, Disyembre 1944.
(National Historical Commission)
Diyosesis ng Pasig
Obispo Mylo Hubert Claudio Vergara, D.D.
Rektor at Kura Paroko
Reb. Padre Jorge Jesus Bellosillo
Kasamahang Pari
Reb. Padre Glenn Gaabucayan
Reb. Padre Gilbert Vidanes
Mga Oras ng Misa
Lunes hanggang Biyernes
6:00 ng umaga
6:30 ng gabi
Sabado (Anticipated Mass)
6:00 ng umaga
6:00 at 7:00 ng gabi
Linggo
5:00, 6:15, 7:30, 8:45 at 10:00 ng umaga
3:30, 4:45, 6:00 at 7:15 ng gabi
Kumpisalan
Lunes hanggang Biyernes
6:00-6:30 ng gabi
Parish Office Hours
Tuesday to Saturday
8:00 AM-11:30 AM
2:00 PM-5:00 PM
Sunday
8:00 AM-12:00 NN