Dada Niño dela Pasión de Paete

-NA-, 4016
Dada Niño dela Pasión de Paete Dada Niño dela Pasión de Paete is one of the popular Religious Organization located in ,-NA- listed under Religious Organization in -NA- , Catholic Church in -NA- ,

Contact Details & Working Hours

More about Dada Niño dela Pasión de Paete

SANTO NIÑO DE LA PASIÓN

Ang “Santo Nino de la Pasion” o Ang Batang si Jesus ng Mahal na Pasyon ay ipinagdiriwang sa araw ng Viernes bago sumapit ang Miercules ng Abo at panimula ng Panahon ng Cuaresma. Karaniwang isinasagawa ang prusisyon kasabay ng Imahen ng Virgen delos Dolores sa mga bansa sa Timog Amerika.

Ang Imahen na kung ilarawan ay walang sapin sa kanyang mga paa, at may kulay ubas at lilac na tunica o balabal na sumisimbulo sa kulay ng Pasyon ng ating Panginoong Hesus. Mga luhang pumapatak mula sa mga Banal na Mata at paglalarawan ng hinagpis habang nakatungo hawak ang Mahal na Krus ng Kanyang Paghihirap. Koronang Tinik, Pako at Ubas na mga sumisimbulo noong gabi ng Siya’y dakpin ng mga Hudyo.

Ito ay patunay ng paglalarawan na ang ating Panginoon na mula sa pagkabata ay may karunungan ng Kanyang tatahakin sa tagdang panahon na itinakda ng Diyos Ama, na Sya’y maghihirap, magpapakasakit at mamatay bilang pagtubos sa kasalanan ng sanlibutan.

Ang Imahen ng Santo Niño de la Pasión ay nag-ugat mula sa tagpo noong Siya’y natagpuan ng kanyang Mahal na Ina at ni San Jose sa loob ng templo. Ang Batang si Jesus ay nagtuturo sa mga ministro at matatanda ng bayan upang ipakalat ang ipinangakong Kaharian ng ating Ama sa Langit.

Ang Santo Niño de la Pasión ay isa sa pinaka-una at pinakamatandang titulo ng Batang si Jesus. Ito ay representasyon ng Panginoon, na kahit sa murang isipan, batid Nya ang Kanyang haharaping paghihirap upang maligtas tayong lahat.

Map of Dada Niño dela Pasión de Paete