CDCC San Antonio Chapter

Narvacan, 2704
CDCC San Antonio Chapter CDCC San Antonio Chapter is one of the popular Religious Organization located in ,Narvacan listed under Church/religious organization in Narvacan , Religious Organization in Narvacan ,

Contact Details & Working Hours

More about CDCC San Antonio Chapter

ANG KASAYSAYAN NG CDCC SAN ANTONIO CHAPTER

Mahigit apatnapung taon na ang nakalipas nang makarating ang magandang balita buhat sa sugo ng Diyos mula sa Crusaders of the Divine Church of Christ na pinamumunuan ni Mons. Dr. Rufino S. Magliba sa San Antonio Chapter Narvacan, Ilocos Sur.

Taong 1959, nagkasakit nang malubha ang dalagang si Concepcion Cacho na mas kilala bilang si Concing. Halos wala ng pag asa ang kaniyang kalagayan kayat minarapat na magpagawa ng ataul para sa kanya subalit sa kabila nito, hindi nawalan ng pag asa ang kaniyang mga magulang sa paghahanap ng lunas sa kaniyang karamdaman.

Isang manggagamot ang nakapagbalita na may isang magaling na manggagamot sa bayan ng San Fabian, lalawigan ng Pangasinan kayat hindi na nagdalawang isip ang mga magulang ni Concing. Sinamahan siya ng kaniyang inasa naturang bayan at hindi naman sila nahirapan sa paghahanap ng naturang lugar. Doon nila nakilala si Mons. Dr. Rufino S. Magliba.

Ginamot ni Apo Rufino si Concing at agad namn siyang nakadama ng kaginhawaan. Bumalik sila sa kanilang bayan dala ang panibagong pag asa at liwanag sa paggaling ni Concing. Nangako sila na dadalhin nila ang misyon sa bayan ng San Antonio at sinabi naman ni Apo Rufino na dadalawin sila roon upang isagawa ang misyon.

Naigawad ang unang misa sa bahay ng mga Cacho sa araw mismo ng kaarawan ni Concing noong ika-16 ng Mayo 1959. Dahil sa laking pasasalamat sa paggaling ni Concing, naniwala sila sa misyon ng CDCC kahit sila palang mag anak doon ang naniniwala rito. Sinimulan nila ang pagsamba bilang mga crusado at di kalaunan ay nadagdagan ang kanilang bilang. Si Obispo Alfredo Agustin, mula sa Parparia Chapter, ang nangasiwa sa mga misa. Madalas ding dumaan si Apo Rufino upang magdaos ng misa.

Lumipas ang panahon at nakapagpatayo ng munting simbahan ang mga deboto. Gamit ang pondo mula sa kanilang caroling at donasyon ay nagkaroon ng simpleng gusali na yari sa kahoy at sim.

Dumaan sa maraming pagsubok at suliranin ang noo’y nagsisimulang chapter ng CDCC. Kung anu-ano ang halos maging dahilan ng pagkakabuwag ng simbahan subalit hindi sila nawalan ng pag-asa. Pilit nilang itinayo ang simbahan sa gitna ng mga bagyo at unos ng kapalaran. Taglay nila ang bilin ni apo lakay na huwag pababayaan ang simbahan upang hindi sila pabayaan ng Diyos kayat sinikap nila ang lahat alang alang dito.

Sa loob ng apat na dekada ay nakaroon ng anim na pangulo ang ngayo’y CDCC San Antonio Chapter. Sila ay sina Benjamin Portugal, Demetrio Cadoma, Mariano Cabaciang, Felipe Espiritu, Hernando Portugal at ang kasalukuyan na si Ameterio Diga.

Nang pumanaw si Obispo Agustin, iminungkahi ng mga kasapi na magkaroon na ng sarili nilang pari ang San Antonio Chapter. Kinuha nila si Padre Rolando Dichoso ng Isabela na noo’y nakadestino sa probinsya ng Quirino. Si Padre Dichoso ang napili ng miyembro dahil nagging kabiyak nito si Yolanda Cacho, ang pamangkin ni Apo Concing.

Taong 1986 nang magsimulang pangasiwaan ni Padre Dichoso ang CDCC San Antonio Chapter at sa ilalim ng pamamahala nito ay napalago ang bilang ng mga kasapi.

Mula na rin sa miyembrong may mabubuting kalooban, nagsimula ang pagpapaunlad ng misyon at ng simbahan. Tulong tulong sila sa paglikom ng pondo at maging sa mismong pagpapatayo ng gusali ng Diyos.

Matapos ang apatnapu at limang taon, natupad na ang minsang munting pangarap ng mga sundalo ng Diyos. Mayo 16, 2004 nabasbasan ang simbahan ng CDCC San Antonio Chapter. Kasabay ng paggunita ng kaarawan ni Apo Concing, ang taong nagsimula ng pangarap na sa wakas ay nabigyan nan g katuparan.

Lahat ng ito ay nagpapatunay lamang ng kapangyarihan ng Diyos at ng kaniyang walang hanggang kabutihan sa atin. Ang simbahan ng San Antonio ang buhay ng saksi sa konkretong pag ibig ng maykapal. Ito ang bunga ng buong pusong pananalig ng miyembro sa ating panginoon.

MABUHAY ANG CRUSADO !!

Map of CDCC San Antonio Chapter