Batang Kalikid Sur

Kalikid Sur, Cabanatuan City, 3100
Batang Kalikid Sur Batang Kalikid Sur is one of the popular Residence located in Kalikid Sur ,Cabanatuan City listed under Residence in Cabanatuan City , Public places in Cabanatuan City ,

Contact Details & Working Hours

More about Batang Kalikid Sur

Ang KALIKID SUR Bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, may isang liblib na pook na sakop ng Lungsod ng Cabanatuan, ang pinagdarayo ng mga taga ibang bayan upang manguha ng kugon, kahoy at ligaw na bunga ng kahoy. sa simula ay bihira lamang ang gumagawi duon, ngunit ng lumaon ay dumarami na sila dahil sa napapabalitang marami ritong nakukuhang kugon at kahoy. Sa pagdaraan ng panahon unti- unti nila itong hinawan at binubungkal para sa kanilang sarili. Karamihan sa mga taga bayan na dumayo sa pook na ito ay nagmula sa pook adwas na pinangungunahan ng matandang nagngangalang Valino. Nilalakbay nila ang pook sa pamamagitan ng paglalakad, pagsakay sa kabayo at ng lumaon ay sa kariton, karitela at kareta.

Hindi nagtagal at dumami na ang nakatira dito. Hindi pa rin nila alam ang pangalan ng pook na ito. Ngunit dahil sa mga dumarayo ditong naninirahan ay masuri sa kanilang kapaligiran, napansin nilang ang pook na ito ay napapaligiran ng mga makikitid na sapa na parang napapakalidkidan , na ang iba ay nahihirapang bumigkas ng salita, ito ay tinawag na lamang KALIKID at kung bakit naiduktong ang salitang Sur ay dahil sa pagkakahati ng lugar na ito sa dating weste at este, lumikha sila ng Norte at Sur. Kaya mula nuon sa tuwinang may napapadpad sa lugar na ito ay nababangit na nila ang pangalang KALIKID SUR.

Nuong kapanahunan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay nabigyan ng hustong pansin ang mga malalayong nayon tulad nito, at ayon sa mga pangkaunlarang programa ng pamahalaan ang nayong ito ay isinama sa Kalikid Weste at ito'y tinaguriang "KALIKID SUR" hanggang ngayon.

Map of Batang Kalikid Sur