Bagong Barangay Kalayaan

Aguinaldo St. Barangay Kalayaan, Angono, 1930
Bagong Barangay Kalayaan Bagong Barangay Kalayaan is one of the popular Public & Government Service located in Aguinaldo St. Barangay Kalayaan ,Angono listed under Government Organization in Angono ,

Contact Details & Working Hours

More about Bagong Barangay Kalayaan

Ang pahinang ito ay nilikha upang maging daan ng komunikasyon at mabisang pakikipag-ugnayan para sa isang bukas, tapat at mabungang pamamahala ng barangay. Ang BAGONG BARANGAY Kalayaan ay pinangungunahan ng bagong PUNONG BARANGAY BERNARDO "BERNIE" BALAGTAS.

KASAYSAYAN NG BARANGAY KALAYAAN

PANGALAN

Ang opisyal na pangalan ng barangay ay KALAYAAN.

Ang pangalang KALAYAAN ay kasing kahulugan sa Ingles ng salitang freedom o independence.

Pinili ng mga tagapagtaguyod ng pagsasarili ng baryo ang pangalang KALAYAAN bilang pagbibigay diin sa kanilang kilusan na mapaghiwalay sa tatlong baryong sumasakop sa kanila.

Ang lugar na ito ay kilala rin sa tawag na PALOMO LAKESIDE SUBDIVISION, pagkat ang kakapalan ng mga naninirahan sa baryo ay naninigilan sa Palomo Subdivision na sakop ng baryo. Ang mga naninirahan sa Palomo Subdivision ang siyang nagpasimula ng kilusan para sa pagkakaroon ng sariling pamahalaang nayon.

KASAYSAYAN NG PAGIGING BARYO

Ang kasaysayan ng Baryo Kalayaan ay nagpasimula sa pagkakatibay ng Konseho Munisipal ng Palomo Lakeside Subdivision noong 1960. Mula noon ay dumami nang dumami ang mga taga-ibang baybaying nakabili ng mga lote sa subdivision at dahil dito ay nagmistula itong isang munting baryo. Ngunit sa kabila ng pagdami ng mga tao ay hindi lubhang naaayos ng may-ari ang mga kalye sa Subdivision. At dinagdagan pa ito ng ilang mga suliranin sa kaayusan at katahimikan ng lugar, dahil sa pagdami at sa pagkakahalu-halo ng di magkakakilalang kabataan at mamamayan, na nagmula pa sa iba’t-ibang panig sa Pilipinas.

Nasa ganitong kalagayan ang subdivision nang maisap ng dalawang kabataan, sina Atty. Paterno G. Tiamson at Santiago Mesiass na magbahay-bahay at hikayatin ang mga mamamayan at padre de pamilya na magbuo ng isang samahan na magkakilala at magkatulungan, at tuloy magbuklod tungo sa pagiging baryo upang sa ganoon ay sila na mismo ang tumulong sa paglutas ng mga suliranin sa kanilang pook.

Ang samahan ay nagpupulong noong Mayo 14, 1966 sa tapat ng tindahan ni Aling Terang Roa, at ito ay tinawag na BUKLOD NAYON NG PALOMO.

Ang mga sumusunod ang siyang mga nahalal na unang opisyales ng samahan:

Pangulo ------------------- MARIO MACAPAGAL SR.
Pang. Pangulo------------------- RAYMUNDO BORJA
Kalihim ------------------- SANTIAGO MESIAS
Pang. Kalihim------------------- CIPRIANO CRUZ
Ingat-Yaman ------------------- CARMELITA STA. ANA
Pang. Ingat-Yaman------------------- EUFRONIO CARPIO
Tagasuri ------------------- ISIDRO HERNANDEZ
Tagasuri ------------------- ALFREDO BALAGTAS
Tagapayo ------------------- ATTY. PATERNO G. TIAMSON

Sa pagkakatatag ng samahan at pagkakahalal ng mga opisyales ay nasimula ang kilusan ukol sa paglaya ng mga taga Palomo Subdivision bilang isang hiwalay na baryo.

PETISYON SA PAGHIHIWALAY BILANG ISANG BARYO

Noong 1968 ay nagpetisyon ang mga taga-Palomo Subdivision na sila ay maging isang malayang baryo na hiwalay sa tatlong baryong sumasakop sa kanila ang mga baryong San Vicente, Sto. Niño at San Isidro.

Noong Hulyo 20, 1968 ay pinag-usapan sa Konseho Munisipal ang petisyon ng mga taga-Palomo at pinagpasiyahan na sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 99 (taong 1968) na magkaroon ng census sa nasabing pook upang mabatid kung nakaabot na sa takdang bilang ng 500 ang mga mamamayang naninirahan sa nasabing pook.

Binuo ang Census Committee at sinensus ang buong Palomo Subdivision at lumabas na mayroong 711 katao sa lugar na ito.

Matapos ang pagsesensus ay gumawa ng isang paborableng sulat ang Lupon ng mga Pamahalaang Nayon at inerekomenda sa Konseho Munisipal ang pagpapatibay ng Kapasiyahan Blg. 108 na humihiling sa Hunta Probinsyal at naging isang Malayang Baryo ang Palomo Subdivision at ang pook sa mga Muzon. Pinagtibay ang kapasiyahan at ang ibinigay na pangalan sa iminungkahing baryo ay KALAYAAN.

PINAGTIBAY ANG PAGIGING BARYO

Matapos maiharap sa Hunta Probinsyal ang petisyon ng mga taga-Palomo ang Resolusyon Blg. 108 ng Konseho Munisipal at ang pagsang-ayon ng tatlong baryong nakasakop sa Kalayaan, ay pinagtibay ng Hunta Probinsyal ang Provincial Board Resolution No. 71-446 noong ika-26 ng Hulyo, 1971.

Pormal na ipinadala sa Konseho Munisipal ng Angono, Rizal ang kopya ng Provincial Board Resolution No. 71-446 at ito naman ay buong kasiglahang tinanggap ng Konseho Munisipal sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Kapasiyahan Blg. 72-197 na kumikilala sa pagkakalikha ng Baryo Kalayaan bilang ika-9 na baryo sa bayan ng Angono, Rizal at bumabati sa mga naninirahan sa pook na ito sa pagtatagumpay ng kanila matagal na mithiing magkaroon ng sariling pamahalaang nayon.






Map of Bagong Barangay Kalayaan