St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral

4.89 star(s) from 9 votes
Gen. Luna Street, Cabanatuan City, 3100
St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral is one of the popular Tourist Information Center located in Gen. Luna Street ,Cabanatuan City listed under Religious Organization in Cabanatuan City , Tourist Information Center in Cabanatuan City , Historical Tour Agency in Cabanatuan City ,

Contact Details & Working Hours

More about St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral

PAGBABALIK-TANAW SA MAKASAYSAYANG PAROKYA ni San Nicolas ng Tolentino na siyang pusod ng Diocesis ng Cabanatuan.

Matapos itatag ang parokya sa Gapan noong 1595 at ang misyon sa Santor,
Bongabon noong 1636, ang mga paring Agustino naman ay nagtayo ng misyon dito
sa Cabanatuan noong 1700. Noon ang Cabanatuan ay dating visita lamang ng Gapan
at sa pagsisikap nila, kasama ng mga paring Franciscano ay natatag ang maraming
parokya sa lalawigang ito ng Nueva Ecija.

Hinalaw sa salitang Kabatuhan ang Cabanatuan sapagkat mabato sa lugar na ito at sa salitang Kaban ng Tuwa. Pinagpala ng Diyos ang Cabanatuan sapagkat
pinagkalooban niya ito ng magandang lupa para sa iba’t ibang pananim lalo na ang
palay, ang pinagmumulan ng pangunahing pagkain nating mga Pilipino. Noong taong
1732 o matapos ang tatlumpung taon ng pagkakatatag sa parokyang ito ay mayroon
lamang itong pitong daan na mga kaluluwa. Ang parokyang ito ay nailipat sa
pamamahala ng mga paring Sekular noong 1866. Sa taon ding yaon ay itinayo sa
pangunguna ni Padre Jose de la Fuente na noo’y kura paroko ng parokya ang unang
simbahang bato kasama na ang kumbento. Ngunit ang mga ito ay nasira ng lindol
noong Hulyo 18, 1880. Muling itinayo ang simbahan at kumbento sa pangunguna ni
Padre Mariano Rivas noong 1891 na kung saan ang Republika ng Pilipinas ay
ginawang tanggapan ang dating kumbento ng parokya at doo’y ipinatawag si Heneral
Antonio Luna ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo para sa isang
pulong ng mga gabinete at yaon ang naging sanhi ng pagpaslang kay Heneral Luna
noong Hunyo 8, 1899 nang siya ay pababa sa hagdanan ng kumbento. Ang noo’y
kumbento ng parokya ay ang kinalalagyan ngayon ng tanggapan ng aming Mahal na
Obispo na inyong matatagpuan sa harapan at gawing kanan ng gusaling simbahan na
ito at kung saan ay inyo ring makikita ang marker ng mismong lugar kung saan
pinaslang si Heneral Luna kasama ang kanyang kanang kamay na si Colonel
Fransisco “Paco” Roman.

Taong 1912, ang Lungsod ng Cabanatuan ay naging pangunahing lungsod ng
lalawigan ng Nueva Ecija kapalit ng bayan ng San Isidro. Ang simbahang ito ay isa sa
pinakamalaki at kilalang matibay sa lalawigang ito. Ito ay nasunog noong 1934 at
halos lahat ng bahagi maliban sa mga dingding sa gilid nito ay muling itinayo na kung
saan tayo ngayon ay nagkakatipon. Ang Parokya at Katedral ni San Nicolas ng
Tolentino, ang siyang Ina ng lahat ng simbahan sa Diocesis ng Cabanatuan. Itinatag
ang aming diocesis noong Pebrero 16, 1963 at pinasinayaan dito sa katedral bilang
bagong diocesis ng Pilipinas noong Hulyo 3, 1963 at kinabukasan Hulyo 4 taon ding
iyon ay inordenahan at iniluklok si Obispo Mariano Gaviola bilang kauna-unahang
Obispo ng diocesis. Siyam na taon ang nakalilipas, Setyembre 28, 1972 isang
malaking apoy ang muling sumira sa gusaling simbahan ng parokya kasama ang
gusali ng dating paaralan ng Kolehiyo ng Immaculada Concepcion . Ngunit sa lalim
ng pananampalatayang taglay ng mga mananampalataya ng parokya sa pangunguna
ng noo’y kura paroko na si Monsinyor Pacifico B. Araullo, ang simbahan ay muling
naisaayos at natapos noong Nobyembre 22, 1975 at noon din ay ginanap ang
Maringal na Pagbabasbas sa Katedral na ito ni San Nicolas ng Tolentino sa
pangunguna ng Lubhang Kgg. Vicente P. Reyes na noo’y Ikalawang Obispo ng
Diocesis ng Cabanatuan at tubong San Antonio, Nueva Ecija at Arsobispo Bruno
Torpigliani, D.D. na noo’y Apostolic Nuncio. At noong taong 2015 ay
ipinagdiwang ang ika-40 Taong Anibersaryo ng kaganapang iyon. Ang tagibang
na hugis pabilog na arko ng pangunahing pasukan ng simbahang ito ay naglalarawan
ng Romanasque architecture. Tanging ang mga dingding lamang sa gilid ng
simbahang ang kakikitaan ng mga orihinal na adobe stone na ginamit upang itayo
ang gusaling simbahan ng parokya.

Map of St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral