KUMA's meal

Pasalubong Center, Malolos, 3000
KUMA's meal KUMA's meal is one of the popular Grocery Store located in Pasalubong Center ,Malolos listed under Restaurant in Malolos , Food/grocery in Malolos ,

Contact Details & Working Hours

More about KUMA's meal

Kuma's Meal is founded by the three members of KUMA which is a name of a Group of friends since 2007.

KUMA started since 2007 magkakasama lang noon sa PCY isang Youth Organization sa church. Hanggang sa nauso noon ang panunuod ng "ZAIDO: PULIS PANGKALAWAKAN" na may kalaban na tinatawag na KUUMA. pag may gawain sa simbahan, yun lagi ang pinaguusapan at ginagawang biro ng mga grupo ng kalalakihan. Hanggang sa isang araw ay KUMA na ang tawag sakanila. Di rin napansin ng grupo na ito na lagi na silang magkakasama. Sa Activities, Gawain man o hindi. Hanggang sa unti -unti ng nadadagan ang grupo.

Lumipas ang mga taon, marami na ang wala sa youth. may nag-abroad, napunta sa langit, nagasawa, nagkatrabaho, naging busy sa pagaaral, nalipat sa ibang lugar. Pero hindi naging hadlang yun para di sila magkita kita.

Nagkasundo sa kung anu-anung bonding, madaming lugar na din ang narating. Magkakasama sa bawat baha at bagyo, Tulungan sa problemang personal, Tulungan sa paggawa ng Bahay, tulungan sa pagtulong sa kapwa, Sa lungkot at Kasiyahan. Lalong lalo na sa KAINAN

Di rin namin napapansin na Di na pala kaibigan o barkada lang ang turing namin sa isa't isa. Kundi Isa ng Pamilya o Magkakapatid.

Kaya taong 2015, dahil medyo nagkakaedad na. pero di naman ganu katanda. nagmamature lang!. bihira na ang Inuman. pero napalitan ng bagong libangan at yun ang COC na mas lalong NAPAGTIBAY ang aming samahan. mas naging close ang isat isa. laging magkakasama pag natatalo sa war. Laging Dinadaan sa kaen! GEB pa nga ang tawag namin pag magkikita kita dahil yun ang tawag sa MEET -UPS ng mga magkakaclan. Simula noon, hanggang ngayon kahit palaos na ang COC. lagi parin kaming nagkikita kita. at walang ibang ginawa kundi magexplore ng mga pagkain, makakainan at kakainin sa susunod pang GEB.

Taong 2015 pa rin, habang nagpaplano sa taunang OUTING. Naisipan ng tatlo sa grupo na magtayo ng negosyo na may kinalaman sa pagkain., dahil mahihilig naman kami kumaen. Naitayo namin ang KUMA'S MEAL march 15, 2016.

kaya ito KUMA'S MEAL dahil kahit na tatlo muna ang namuhunan dito. tulong tulong naman ang BUONG KUMA sa pagaayos at pagbuo nito. May IN-HOUSE Graphic Designers/Artists, Advertisers, Adviser, Chef, Bartender, Critics, Electrician, Carpenter, Driver, at mga TAGA - kaen ang kuma. at lahat ito ay libre, dahil MAGKAKAIBIGAN KAMI. pag sa iba may BAYAD NA! at salamat sa BUONG KUMA!





Map of KUMA's meal