Jose Abad Santos High School, Binondo, Manila

Numancia Street, Manila, 1100
Jose Abad Santos High School, Binondo, Manila Jose Abad Santos High School, Binondo, Manila is one of the popular High School located in Numancia Street ,Manila listed under School in Manila , High School in Manila ,

Contact Details & Working Hours

More about Jose Abad Santos High School, Binondo, Manila

Ang Mataas na Paaralang Jose Abad Santos ay nagsimula bilang Meisic Annex ng Arellano High School na itinayo sa panulukan ng kalyeng Meisic at La Chambre sa Binondo, Lungsod ng Maynila. Sa rekomendasyon ng Tagapamanihala ng mga Paaralang Lungsod, at sa pahintulot ng direktor ng edukasyon, ito ay itinatag at nagsimulang magsarili noong Agosto 18, 1947 sa bisa ng Municipal Order no. 3092.

Nanungkulan bilang unang punong-guro ng Mataas na Paaralang Jose Abad Santos si G. Andres Ranola at unang pangalawang punong-guro si G. Ciriaco Modesto.

Lumabas ang unang pampaaralang pahayagan, ang Gazette at Ang tinig noong Setyembre, 1947 at 1951 sa pamamahala nina Gng. Felicitas Lacsamana at G. Tomas Paguia sa Ingles at Gng. Amanda Nepomuceno sa Pilipino.

Noong 1952, itinayo ang mga gusali na panlimahang silid-aralan sa tulong ng Parent-Teachers Association sa pangunguna ni G. Camua at ito ay nakilalang Javalera Annex, at pinangalanang Mataas na Paaralang Raha Soliman. Magkasabay na ginawa ang gymnasium at L-shaped building noong 1968 sa panunugkulan ni G. Domingo Tan.

Nagkaroon ng Pilot Science classes and paaralang ito noong 1963 hanggang 1981. Nag=karoon din ng iba't ibang proyekto sa pag-aaral at pagtuturo ang Mataas na Paaralang Jose Abad Santos tulad ng SWAS (School-Within-A-School) sa pamumuno ni Gng. Silvina Laya na tumagal nang limang taon. Inilunsad ang proyektong Earn-While-You-Learn sa paglalayong bigyan ng pagkakataong kumita habang nag-aaral at nagsasanay ang mga mag-aaral.

itutuloy...

Map of Jose Abad Santos High School, Binondo, Manila